Kami ang kompanya ng pagbibiyahe

Kung Saan Ikaw ang Priyoridad

Noong nagsimula kami noong 2003, nilayon naming baguhin ang mga bagay-bagay. Ginusto naming tipunin sa iisang lugar ang lahat ng opsyon sa flight ng mga biyahero, at gumawa ng simpleng alternatibo sa mga nakakalitong site na nagpapahirap sa pagpaplano ng mga biyahe.

Bumiyahe sa paraang gusto mo

Sa ngayon, isa na kami sa mga nangungunang kompanya sa pagbibiyahe sa buong mundo, at ginagamit na ang app at website namin ng 100 milyong tao sa iba't ibang bansa kada buwan. Ipinagmamalaki namin ang pagiging transparent at matapat sa paghahanap namin ng bilyon-bilyong presyo para sa mga flight, hotel, at car service para mahanap ang mga pinakasulit na promo. Layunin naming tulungan ang mga biyahero na magplano at mag-book ng biyahe nang walang kahirap-hirap at may kumpiyansa. Sa pamamagitan man ng paggamit ng teknolohiya para gawing simple ang komplikado o pag-uugnay ng mga biyahero sa mga mapagkakatiwalaang partner para makapagbigay ng mga tapat at transparent na solusyon, determinado kaming tulungan ang lahat na makahanap ng alok na pinakaangkop sa kanila.

Pangunahing tip

Layunin naming maging numero unong kakampi sa pagbibiyahe sa buong mundo, tumulong sa lahat ng tao na makabiyahe nang mas mabilis at mas mahusay, at tuklasin pa ang mundo nang may kumpiyansa.

Nangungunang kompanya sa pagbibiyahe sa buong mundo

Hanggad nating magkaroon ng kalayaan kapag bumibiyahe. Kaya mainam lang na maging simple ang pagpaplano at pagbu-book ng biyahe mo, at hindi isang pasanin. Alam naming naghahanap ka ng mga pinakasulit na presyo at pinakamagandang flexibility para mapili mo ang pinakaangkop sa iyo. Kaya naman palagi kaming nagsisikap na tiyaking madaling gamitin at mabilis ang app at website namin. Mayroon kaming mahigit 1,200 partner sa buong mundo at hindi kami tumitigil sa pagpapahusay sa network namin na pinakamaganda sa industriya para maiugnay ang mga biyahero sa mga pinakatumpak na opsyong mapagkakatiwalaan. Sa ganitong paraan, mahahanap ng lahat ang alok na pinakaangkop sa kanila. Mahigit 80 bilyong presyo ang hinahanap araw-araw kaya makakasiguro ang mga biyahero na nakita nila sa iisang lugar ang mga pinakasulit na opsyon.

Madaling pagpaplano ng biyahe para sa lahat

Kami ang bahala sa mabigat na gawain para hindi na mahirapan ang mga biyahero. Ginagamit namin ang aming mga datos, insight, at makabagong teknolohiya para gawing simple ang komplikado, at muli kang makatuon sa mas mahahalagang bagay, gaya ng pagpaplano, pagbu-book, at pagbiyahe nang walang stress.

Tagapagsulong ng positibong pagbabago

Naniniwala kaming dapat may positibong epekto ang pagbibiyahe. Kaya nakatuon kami na tumulong sa paghubog ng mas responsableng kinabukasan ng pagbibiyahe sa pakikipagtulungan sa aming mga partner. Mula sa pakikipag-usap tungkol sa epekto sa kalikasan ng mga flight at pagbabahagi ng walang kinikilingang impormasyon para makagawa ka ng may kaalamang desisyon, hanggang sa pagsigurong accessible ang aming site at inclusive ang aming negosyo, hindi lang namin iniisip ang ngayon at bukas, kundi ang mga darating pang mga henerasyon.

Palaging walang kinikilingan, tapat, at transparent

Bumibiyahe rin kami, kaya palagi kaming namumuno nang may katapatan at transparency—at inaasahan din naming may parehong mataas na pamantayan ang aming mga partner. Ibig sabihin nito, walang nakatagong bayarin, walang lihim na singil, wala kang dagdag na babayaran, kaya patuloy kaming walang pinapaboran.

Ang kuwento namin sa ngayon

Tuluyang nagbago ang industriya ng pagbibiyahe nang nagkita-kita ang tatlong magkakaibigan at nagsimula silang mag-isip na gumawa ng madaling paraan para maghambing ng mga flight. Inilunsad ang Skyscanner!

Inilunsad ang sikat naming feature na “Maghanap Kahit Saan”, na ginawa para maiparating sa mga biyahero ang mga pinakamurang destinasyong puwede nilang puntahan.

Nagsimula kaming magbigay ng serbisyo sa iba't ibang panig ng mundo at ginawa naming available sa 30 wika ang aming site.


Inilunsad ang aming app para lalong mapadali ang pagbu-book ng biyahe nang on the go.

Para matulungan ang mga biyahero na makakuha ng impormasyon, ginawa namin ang mga Alerto sa Presyo para i-update sila kapag may nagbagong presyo ng flight.

Hindi kami huminto sa mga flight lang, at inilunsad rin namin ang car service.

Isinunod namin ang mga hotel para makagawa ng perpektong biyahe ang mga user.

Binili kami ng Ctrip (Trip.com Group na ngayon) sa isang kasunduang nagkakahalaga ng £1.4 na bilyon. Ito ang pinakamalaking technology acquisition sa pagbibiyahe sa Europe.

Kinilala kami ng Consumer champions na Which? bilang “Pinakamagandang serbisyo sa paghahambing ng mga flight.”

Umabot sa 100 milyon ang mga buwanang user namin at inanunsyo namin ang aming misyong baguhin ang paraan ng pagbibiyahe sa buong mundo.

Sa pagdaan ng mga biyahero sa pandemya, naglunsad kami ng mapa ng pagbibiyahe kaugnay ng COVID-19, score para sa kalinisan ng hotel, at score para sa kaligtasan ng airline.

Bilang bahagi ng aming pangako na gawing accessible ang pagbibiyahe, sumali kami sa Valuable 500. Isa kaming signatory sa Glasgow Declaration para sa pagkilos para sa klima sa turismo. Bukod pa rito, kinilala kami ng Which? bilang 'Pinakamagandang Website sa Paghahambing ng Flight' para sa ikaapat na sunod-sunod na taon.

Sa muling pagbubukas ng mundo, kami ang pinakamabilis na lumalagong flight meta sa buong mundo at kinilala kami bilang nangungunang site para sa paghahambing ng mga flight sa UK, US, at Europe.

Inilunsad namin ang Empathy Lab, na nakatuon na gawing inclusive at accessible ang pagbibiyahe para sa mga biyaherong may mga karagdagang pangangailangan.

Ipinakilala namin ang dalawang feature na pinapagana ng AI: ang Vibe at AI Tour Guide – para higit pang makatulong sa pagpaplano ng biyahe. Inuuri at inaayos ng Vibe ang mga destinasyon sa mahusay na paraan para makakuha ng inspirasyon sa pagbibiyahe. Pinapayagan naman ng AI Tour Guide ang mga biyahero na maghanap ng mga destinasyon gamit ang mga natural na wika at madadaling prompt.

Inilunsad namin ang DROPS, isang tool na tumutulong sa mga biyaherong makahanap ng mga flight na may bumabang presyo kamakailan. Ginagawa nitong mas madali na makahanap ng magagandang promo sa isang sulyap.

Mundo mo ito. Tutulungan ka naming tuklasin ito.

Mga Flight

Mula sa mga maikling bakasyon hanggang sa mga pambihirang adventure, mahanap dito ang pinakamagagandang presyo sa milyon-milyong flight. Walang nakatagong bayarin. Walang dagdag na singil. Tinutulungan ka ng mahuhusay na filter sa paghahanap, gaya ng dami ng paghinto at oras ng pag-alis, para mahanap ang pinakaangkop na flight para sa iyo. Marami rin kaming tip at trick para tulungan kang makatipid pa.

Mga Hotel

Isang bahagi lang ng biyahe ang pagpunta sa destinasyon. Narito kami para tulungan kang kumpletuhin ang biyahe mo sa pamamagitan ng paghahandog ng milyon-milyong kuwarto mula sa buong mundo, mura man o mas mahal. Paghambingin ang lahat ng sikat na pangalan dito mismo. Sulit din ang inihahandog naming mga presyo ng mga nangungunang hotel sa buong mundo kaya makakatipid ka nang mas malaki pa.

Mga Sasakyan

Mula sa mga maikling bakasyon hanggang sa mga pambihirang adventure, mahanap dito ang pinakamagagandang presyo sa milyon-milyong flight. Walang nakatagong bayarin. Walang dagdag na singil. Tinutulungan ka ng mahuhusay na filter sa paghahanap, gaya ng dami ng paghinto at oras ng pag-alis, para mahanap ang pinakaangkop na flight para sa iyo. Marami rin kaming tip at trick para tulungan kang makatipid pa.