Hangad naming dalhin ang buong mundo sa iyo. Mula sa pagpili ng destinasyon, hanggang sa paghahanap ng pinakasulit na presyo, gusto naming ibigay sa iyo ang lahat ng opsyon. Kaya naman nakatuon kami na gawing madali ang pagbiyahe para sa lahat. Para maging madali, simple, at nakakaaliw ang buong karanasan sa pagpaplano at pagbu-book mula simula hanggang matapos. Para matiyak na masulit ang pera at biyahe mo. At para gawing mas transparent at karapat-dapat na pagkatiwalaan mo ang aming industriya.
Makikita mo ang diwang ito sa lahat ng ginagawa namin. Kami palagi ang bahala sa iyo. Ipinagmamalaki rin naming maging pinaka-maaasahang site ng paghahanap para sa pagbiyahe sa buong mundo (binigyan kami ng mga biyahero ng rating na mas mataas kaysa sa Kayak, Momondo, at Expedia*).
Narito ang ilang paraan kung paano ka namin binibigyang priyoridad:
Makuha ang pinakasulit na presyo
Sinusuri namin ang presyo sa 1,200 kompanya ng pagbiyahe para hindi mo na kailangang gawin ito. Mag-sign up para makatanggap ng mga Alerto sa Presyo at aabisuhan ka namin sa sandaling magbago ang pamasahe sa gusto mong flight. Pagkatapos, puwede kang magpasya kung magbu-book ka o hindi.
Patas ang pamasahe
Ipinapakita namin sa iyo ang mga resulta mula sa napakaraming airline at online travel agent. Priyoridad ang mga biyahero sa lahat ng ginagawa namin kaya aalisin namin sa Skyscanner ang mga provider kung sa palagay namin ay hindi sila mainam para sa iyo.
Magplano at mag-book (nang kahit on the go)
Gustong-gusto mo dahil madaling gamitin at sulit ang app namin, na tumutulong sa iyong planuhin ang buong biyahe mo. Naghahanap ka man ng mga flight, hotel, o car service (o baka lahat ng ito), makikita mo agad ang mga mapagpipilian mo, maipagpapatuloy ang pagpaplano kung saan ka huminto, at mase-save sa iisang lugar ang mga detalye ng biyahe mo.
Alamin ang subok at pinagkakatiwalaan na
Binibigyan ng rating ng mga biyahero ang kanilang karanasan sa pagbu-book sa mga airline at online travel agent sa aming site, at makakatulong ito para mapili mo ang pinakamagagandang provider. Ibinabahagi rin namin sa kanila ang feedback na iyon para patuloy silang magpahusay at para maibigay nila sa iyo ang serbisyong nararapat mong matanggap.
Walang pilitan
Hindi namin ginagamit ang data mo para pataasin ang mga presyo o gumawa ng demand. Naniniwala kaming ang presyong nakikita mo dapat ang presyong babayaran mo at hindi ka namin pipiliting mag-book. Walang nakakadismayang sorpresa o nakatagong bayarin.
Tumuklas Kahit Saan. Nasaan ka man.
Saan pupunta? Kailan? Walang katapusan ang mga posibilidad. Nakakakuha ng inspirasyon ang milyon-milyong biyahero sa tulong ng aming search function na “Kahit Saan” sa pamamagitan ng paghahanap ng lahat ng pinakasulit na pamasahe mula sa napili nilang airport.
Maghanap ng lugar na matutuluyan
Makatipid ng pera sa kuwarto mo, pati na rin sa mga flight mo. Nakikipagtulungan kami sa pinakamalalaking pangalan sa pagbiyahe at may ibabahagi kami sa iyong mga espesyal na promo sa pinakamagagandang hotel sa buong mundo.
Bumiyahe nang masaya
Gaya ng pagbu-book ng mga flight, pinasimple rin namin ang car service. Gamit ang mga filter para sa patakaran sa fuel at lokasyon ng pag-pick up, mapipili mo ang opsyong pinakaangkop sa iyo.
Mga tip at trick ng eksperto
Naghahanap kami ng mga pinakasulit na flight mula pa noong 2003 at ibinabahagi namin sa iyo ang kaalamang iyon. Gamit ang mga Mash-up, puwede kang magsama-sama at magtugma ng mga flight para makuha ang pinakasulit na promo, gaya ng pag-alis na sakay ng flight ng isang airline at pag-uwi na sakay ng flight ng iba pang airline.
Bumiyahe nang may konsensya
Tungkulin naming magbahagi ng walang-kinikilingang impormasyon para tulungan ang mga biyahero na gumawa ng matalinong desisyon. Bilang bahagi ng pangakong ito, naniniwala kaming mahalagang magbahagi ng impormasyon tungkol sa epekto ng mga flight sa kapaligiran. Kapag naghanap ka, malalaman mo kung aling mga flight ang nagbubuga ng mas kaunting CO2e sa average para sa pinili mong ruta.
Narito para sa iyo
Hindi palaging nasusunod ang mga plano sa biyahe pero ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para maayos ang mga problema. Handang tumulong ang mga team ng suporta namin pitong araw kada linggo at nagbibigay sila ng serbisyo sa 30 wika.
